Kasaysayan ng Maikling Kuwento sa Pilipinas

tAXWbk1441631498

 

PRE-KOLONYAL

Bago pa man dumating ang mga kastila, mayroon na tayong abilidad sa sining at panitikan.

Karamihan sa mga panitikan sa panahong ito ay nagmula lamang sa iisang tao. Gamit ang pagsasalin-dila, naipasa-pasa ang mga ito sa iba’t ibsang tao at lugar.

Kwentong Bitbit – dito nagmula o nag-ugat ang maikling kwento. Pumapaksa ang mga ito sa mga anito, lamang-lupa at mga iba’t ibang kababalaghan at nilalang. Ilan sa mga ito ay nakaukit o nakasulat sa mga makikinis na bato, o malalaking dahon at kahoy.

Ngunit marami sa mga nilikhang panitikang ito ay nawala dahil sinira at sinunog ito ng mga prayle dahils sa naglalaman daw ito ng mga kwento ng demonyo.

PANAHON NG KASTILA

Sa panahong ito humina ang pagsulat ng maikling kwento dahil sa pagpapalaganap ng Kristyanismo at nagtuturo ng mga aral mula sa Bibliya nakinapapalooban ng mga aral at utos ng Diyos.

Dito sumibol ang kakana, isang kwentong naglalaman ng mga alamat at engkanto na ginagamit sa pang-aliw sa mga bata, at parabula, isang kwentong naglalaman ng aral ng Diyos.

PANAHON NG AMERIKANO

Muling sumigla at umunlad ang panitika ng Pilipino dahil sa malaking impluwensya ng panitikang Ingles.

Muling lumitaw ang mga manunulat at nadagdagan pa ito ng mga manunulat ng Ingles.

Dagli- isang uri ng maikling kuwento na naging tampok ng pamunuan tayo ng mga amerikano, kwentong nangangaral at nanunuligsa

Ang mga Dagling ito ay nalathala sa pahina ng isang pahayagan na “Muling Pagsilang:

Lumitaw rin dito ang pagsulat ng Pasingaw na tungkol sa pag-ibig, pagsuyo, o panliligaw

Deogracias A. Rosario Cruz tinaguriang “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog”

PANAHON NG HAPON

Tinaguriang “Gintong Pahina ng Panitikang Pilipino” dahil pinairal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Pambansa sa pagsulat.

Pinili ang mga pangunahing kuwento sa isang aklat – “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino” noong 1943


Leave a comment