Tungkol sa Amin

      Ang “BLOGADAG” ay nanggaling sa dalawang salitang pinagsama – “blog” at “blagadag”. Ang “blog” ay salitang Ingles na nangangahulugang isang “website” na kung saan ibinabahagi ng gumawa ang kanilang personal na karanasan at mga opinyon. Ang salitang “blagadag” naman ay isang ekspresiyong ginagamit kapag mayroong nahulog na bagay.

     “BLOGADAG” ang pamagat ng aming “blog” dahil layunin naming maghulog o magpaulan ng mga kaalaman para sa mga mambabasa. Gusto naming makatulong humubog sa mga tulad naming estudyante. Sa bawat tala namin ay may bago kaming maibabahagi na kaalaman sa inyo! “Bato bato sa langit ang matamaan…BLOGADAG!!!”

      Kami ang limang estudyante ng Dole Philippines School na nangangasiwa sa blog na ito. Susubukan naming matulungan kayo, ang aming mga mambabasa, sa asignaturang Filipino.


11717109_898524326899607_2066814588_nSi Nicole ay isang simpleng estudyanteng nagsusumikap mag-aral ng mabuti upang maabot ang kanyang mga pangarap. Handa rin siyang magbigay ng kanyang mga kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay na inyong makikita rito.

11178366_903167453059056_6968762825225394682_nSi CJ ay isang karaniwang mag-aaral ng Dole Philippines School. Siya ay mahilig sa sports at mahilig magpatawa ng kanyang mga kaibigan. Siya ay isang estudyanteng pamilya ang turing sa kanyang mga kaibigan.

 

11715937_816946525019820_1913425444_nSi Camila ay isang palakaibigan na estudyante. Mahal niya ang kanyang pamilya at lalo na ang Diyos. Siya ay mahilig maglaro ng sports. Mahilig din siya sa kalikasan at sa mga hayop.


084334_11326987_911248222247702_1493073772_nSi John ay isang masayahing estudyante at mahilig magpatawa ng kanyang mga kaklase. Mahilig siyang kumain, magbasa ng mga libro, at maglaro ng video games. Gusto niyang ibahagi ang kanyang mga kaalaman sa asignaturang Filipino.

11715981_1032238596799764_159183212_nSi Reignart ay isang mag-aaral sa Dole Philippines School sa ika-10 baitang. Siya ay malikot sa klase, ngunit alam niya kung paano tumulong at makisama sa iba. Nagsisikap rin siya sa paggawa ng blog na ito para maibahagi ang kanyang mga talento.

One thought on “Tungkol sa Amin

Leave a comment